Saturday, September 8, 2012

Ika nga ng Nazareth...

Whilst looking for a suitable image to accompany this diatribe of sorts, I chanced upon a different image by the same artist. Looking through some of her entries gave me this, which I liked better. But which also gave me a new discovery. Love her drawings, for comics or not, even if they are just for snippets of her everyday life. She should be renowned for these. Check her out at http://sofiafalkenhem.blogspot.com.
Drawn by Sofia Falkenhem
for her friend's collection of
love/horror stories,
check out her other
drawings at
http://sofiafalkenhem.blogspot.com
Love hurts.

Written in an hour (as soon as my shift started) late in 2011, if I remember correctly, whereafter the demands of work i.e., call volume, have rendered me unable to continue the relation of events which can be seen as fundamental to the understanding of the initial outburst of emotion, the following started out as a rant and soon became an attempt to use the misfortune into something that, with hope, may prove, no matter how far-fetched the idea may be, to be a suitable first foray (like all the other ideas I've thrown into the typewritten page) into the world of romance writing.

Some parts have been re-worded or rewritten for better reading, and while the inconsistency in voice in the fourth paragraph can be immediately corrected, I chose to let that part remain unchanged to somehow highlight the strength of emotion I had while writing those lines.

Let the heartbreak begin...

***

Heto na naman siya. Nakatunganga, nakatigin sa kawalan. Hindi namamalayan ang paglipas ng oras. Or to put it more correctly, nakikita niya ang pagpalit ng oras mula alas-tres, alas-kwatro, alas-singko hanggang alas-sais na ng gabi pero hindi niya ito iniinda. Oo, nasasayang ang oras, pero hindi niya makuhang ibaling ang atensyon sa mga mas importanteng bagay - sa paksang kailangang aralin para sa pagsusulit bukas, sa paghahanda para sa bakaysong matagal na niyang inaasam-asam. Pero kahit para sa huli ay ni hindi man lang niyang makuhang maging excited.

Kasabay ng pag-eemo moment niya ngayon ay naka-loop ang tila theme song ng kanyang pag-eemo. 'Nasubukan mo na bang matulog nang bigo sa pag-ibig,' tanong ni Alicia Keys. Kasama ang mabigat na bagsak ng mga beats at ang madramang melodiya - perpekto ito para sa nararamdaman niya ngayon, na nararamdaman niya dati pa pero napagdesiyunan na niyang wag na 'to isipan pa muli; na ang pagsisimula ng bagong buhay ay ang pagkalimot sa isang pangit na karanasan.

Pero sa emosyon, madalas talo ka. Natuklasan niya ito sa ilang ulit nang pag-betray sa kanya ng mga emosyon kahit ano pa man ang sabihin ng kanyag utak. Kapag nagsimula nang mamuo ang mga punla ng depresyon, tuluy-tuloy na yan. Hindi na niya mapipigilan ang pulso ng damdamin. At kadalasan ngayon, simula ng mga pangyayaring ngayo'y gumugulo na naman sa kanya, ang kanyang pagkalungkot ay umiikot sa kawalan ng iniibig. Kung bakit ba naman kasi kinailangan pa niyang pumasok sa buhay niya nang ganun diba? Wala siyang ganitong problema dati, kasi nga nbsb nga naman. Wala ring nanliligaw. Kaya ayos lang, masaya ang buhay. Kapag na-depress ay sarili lang ang kailangang sisihin. Tungkol lang naman dati sa purpose niya sa buhay ang ikinadi-depress niya. Ngayon, iba nang anggulo. May iba nang dimensyon ang kanyang pagkalungkot. Pumapalibot na rin sa isa pang tao. Nakakainis lang. Sa ilang buwan nang nakalipas, di pa rin niya maiwaksi ang mga nangyari at ang mga damdaming itinago lang niya. Pathetic, iniisip niya, to pine over one guy when there are so many others around. Ano bang meron sa kanya?

Pilit mong hinahanapan ng sagot. Siya lang naman ang unang lalakeng nagpakita ng interes sa iyo. Hindi gaya nung mga mama sa daan o nakatambay o kung saan man na bigla ka na lang kakausapin. Pero mama rin naman na siya. Mama na mahilig umakyat ng bundok at isang artist. Ayun. Yun iyon eh. Ano pa nga ba magagawa mo diba? At dahil unang beses kang nilapitan ng lalake na tulad nang ginawa niya, mega-obsessed ka tuloy. The one bad thing that happened when apparently, there was nothing in what he did. It was just a one-time thing for him, never to be repated. 

Magtataka siguro ang nagbabasa nito kung ano bang ginawa ng lalakeng ito sa relasyon nila. Bakit ba puno ng emosyon itong napakahabang intro na 'to? Oo teh, intro pa lang 'to. Basta ba magkaroon 'to ng kasunod, intro pa lang 'to.

Ang sagot? Wala. Wala naman kasing relasyon in the first place. Overactive o hyper kumbaga ang imahinasyon ni ate, kaya pagkatapos nung unang pagtatagpo, di na niya 'to naalis sa isipin niya. At kahit pilit pa rin niyang sabihin sa sarili na 'tama na, tigilan mo na,' gumagawa pa rin siya ng mga eksenang kabilang ang lalakeng 'to sa isip niya - magkausap sila, at kung saan nalalaman ng lalake ang naging epekto nito sa kanya. Damn. 

Wala pang isang buwan ang nakalipas mula nung huli siyang na-depress nang bongga dahil dito. At ngayon, heto na naman. Malapit nang mangilid ang luha. Ayan, isang oras na naman ang lumipas sa kaiisip, ini-imagine ang scenario na malalaman niya kung gaano ka kaapektado sa mga pangyayaring sinimulan nya. Magagalit ba siya sa sarili niya, maiinis ba o di kaya'y isasawalang-bahala lang niya ag lahat, na isa ka lang inexperienced na babae na masyadong obsessed sa isang simpleng bagay.

E sa ganun na nga e. Naroon na tayo sa puntong malakas ang hila ng emosyon. Ang solusyon na lang ay kalimutan siya. Pero hindi ito madaling gawin. Kaya ang nalalabi na lang ay ikuwento ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa mga kasalukuyang pangyayari. Kaya heto na ang kwento.


Si ate, hindi naman naghahanap ng pag-ibig. Impraktikal nga ang tingin nya dito dahil mula sa karanasan sa mga kaibigan, mga dating roommates, they spend an extraordinary amount of time thinking about their various problems and fights. Dun naman siya nagiging listener e, kapag may problema at kelangan lang ilabas ni friend. Kapag masaya naman sila, wala namang ganun. Kaya imadyinin mo na lang lahat ng effort at oras na ginugugol dun. Tapos nariyan iyong parating magkatext sila, alam ang ginagawa at kung nasaan ang isa oras-oras, minu-minuto. Hindi ba sobra na yon? Parang nakakasakal. Hindi tama sa alam niyang kalayaang tinatamo niya ngayon bilang isang ganap na single.


Itutuloy kung ma-inspire muling ikuwento ang partikular na kabanatang ito ng buhay...

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...